Saturday, November 6, 2010

"Ang Magulang ay Magulang"

Minsan may nagtanong saakin, "sino ka?". Sinabi ko ang pangalan ko at bigla niyang itinanong "kanino kang anak?" hindi na ako nagtaka sa mga tanong na iyon. Bigla ko na lamang naiisip na bakit dala ko pa rin ang mga magulang ko? eh, hindi naman ako sila? bakit ba?

Lumaki akong nag- iisang babae sa aming magkakapatid. Bago pa man dumating ang aking bunsong kapatid nakukuha ko lahat ng gusto ko. Noong mga panahon na iyon mas naramdaman ko ang pagmamahal ng aking mga magulang. Pero nagbago ang lahat ng isinilang ang bunso kong kapatid, mas natuto akong mapagisa o independent. Dito ko naisip na hindi lang pala ako ang anak at kailangan din sila ng iba ko pang kapatid.

Kahit anong manyari pagbalibaliktarin man ang mundo, "ang magulang ay magulang" kahit iwanan nila ang kanilang mga anak sila pa rin ang gumawa at ina pa rin ang nagluwal dito. Wala namang magulang ang nagbalak ng masama para sa kanilang anak, pero ngaun 60% ay handa sa pagiging magulang nila at 40% ay hindi at tila nabigla sa kanilang nagawa.

Hindi ko masasabing perpekto ang aking mga magulang pero wala na akong mahihiling pa at masaya ako kapag kasama ko sila. At kung sakali man ako'y magkaroon ng pamilya sila ang aking magiging huwaran.

- Assignment ko! :))

Filipino Report ...

Kayarian ng Pangungusap:

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:

  • Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
  • Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
  • Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
  • Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa:

  • Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
  • Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

  • Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
  • Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

  • Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
  • Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.

No comments:

Post a Comment

HaySkuL :D

Photobucketet" />