Wednesday, July 27, 2011

Tuesday, July 26, 2011

hapi bday Mama Weng ♥ ..

Sir Caidic...
Kath, Lindsay, Xena and Boots :)
cute.. ♥
happy? Ü
superLike..
wid Mama Weng.. ^^
See the difference.. :D

Monday, July 4, 2011

Kandungan ni Ina



Ungol ng sanggol na humihingi ng tulong, na tanging ina lamang ang siyang makakatugon. Oh! kaysarap pakinggan dighay ng batang tuwang- tuwa na naibigay ang kanyang hiling na tila bumagsak sa lupa. Gatas mula sa hayop kung tutuusin ang nagibigay sa atin, na dapat ay makukuha sa katulad na tao rin natin.

Halina't salubungin ang umagang kayganda na tayo lamang ang makaka suporta. Huwag ng umasa pa sa iba! Sakto at wastong talino na tumatagytay sa atin nararapat lamang maipasa sa taong tulad natin. Isang araw pagmulat ng ating mata, asal hayop na tao ang makikita dahil sa maling sustansya na napa- sakanya.

Matabang sakitin ang hatid ng sustansyang mula sa baka. Malusog sa unang tingin balat kayo kung pilit susuriin. "100% panatag" ang sabi nila, "dagdag IQ" naman ang iba. Alternatibong sustansya sasapat na ba? Huwag tayong magpaka- mangmang alam natin kung alin ang mas masustansya.

Inang nagtatrabaho para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga supling- pangunahing dahilan kung bakit iba ang sustansyang sa kanyang anak ay napasa. Pilipinong matalino yan ang turing sa atin, pero walang pagpapahalaga sa kung ano ang ating kinakain. Kain dito, kain doon, turo ng turo basta alam na masarap pilit tatangkilikin tila walang pakielam sa nilalaman nito.

Pamahalan sa gatas ni baby kung alin ang mas bongga ang siyang nangunguna! May mas mamahal pa ba sa nutrisyong at pagmamahal ng ating butihing ina? Walang halaga o anumang pera ang makakahigit sa sustansyang handog ng taong ating pinagmulan.

Tapusin ang pagpapakasaya ng mga taong gumagawa ng alternatibong sustansya. Sa buhay ng tao isa lang ang mahalaga ang maging masaya, may hihigit pa bang kaligayahan ang bigay ng isang pamilya? Punong uti- unting inuubos- yan ang halaga ng gatas ni ina. Kung maraming tumatangkilik, mas marami ang tumitingin na ito ay aksaya.

Hindi kulang, hindi sobra sapat lamang para matutustusan ang pangangailangan ng ating katawan. Eksklusibo lamang sa totoong tao at hindi sa nagpupumilit tawaging tao. Nagmula sa damo na kinakain ng baka ikumpara sa pagkain na kinakain ni ina. Kaysarap damhin ng buhay kung ang ating kalusugan ay busog sa pagmamahal na bigay ni nanay.

Kaya ba nating panindigan ang ating mga sarili? Hindi makatarungang pagpapahalaga sa isang bagay na wala naman tayong pakielam. Gatas mula sa hayop pilit pinagtutuunan ng pansin kahit meron naman sa atin. Lahat ay gagawin maibigay lang ang pagkain ni baby. Likas bang tayo ay matalino? Hindi man lang natin naisip na meron namang paraan na hindi gagamitan ng pera at ito ay matatagpuan sa kandungan ni ina.

* first time kong magsulat ng Filipino for the Nutrition Month 2011
@sir roli : comment neh?

HaySkuL :D

Photobucketet" />